Hinihimok natin ang DepEd at GSIS na tugunan ang lumalalang problema ng loans ng ating mga guro. Kasama po ang mga guro sa napakaraming Pilipino na nalulunod na sa taas presyo. Bigyan naman natin sila ng ginhawa. Sa aming pakikipag-diyalogo sa Teachers Dignity Coalition, nagkasundo kaming pagtulungan ang pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga guro. Habang palapit ang World Teachers’ Day sa October 5, pakinggan natin ang mga guro sa kanilang mga hinaing. Oras nang ipakita natin na nakikinig ang gobyernong ito sa ating mga mahal na guro at handa tayong tumulong. 

© 2017 Office of Sen. Bam Aquino. All Rights Reserved