"Sa tulad ko na may kapansanan, ang pag-aaral ay isang hamon. Ngunit napakapalad ko na binigyan ako ng Diyos ng mga magulang na tanggap ang aking sitwasyon at sinamahan ako para matupad ang aking mga pangarap.

Sa gaya ko na walang paningin, nakapahirap mag-aral. May pagkakataon na gusto ko nang sumuko, lalo na noong ako'y nagkolehiyo. Sa sampung university na pinuntahan, lahat tumangging tanggapin ako dahil sa aking kapansanan. Pinanghinaan na talaga ako ng loob ngunit binigyan ako ng aking ina ng lakas ng loob na subukan ang PNU, na tinanggap naman ako sa kabila ng aking kalagayan.

Sa PNU, ramdam ko na dito ako gustong hubugin ng Panginoon. Dito ko rin gustong patunayan na kaya rin naming gawin ang ginagawa ng mga taong walang kapansanan.

Pangarap ko na makapagturo sa isang special school at maging isang magaling na Math teacher at ito ang tamang pagkakataon upang maabot ko ang aking matagal nang inaasam, Dapat nating sunggaban ang oportunidad para makapag-aral dahil ang edukasyon ay isang bagay na hindi maaagaw sa atin."

 

--- Melanie “Menggay” Sinag, Visually Impaired 1st year, Bachelor in Mathematics in Elementary Education, Philippine Normal University

© 2017 Office of Sen. Bam Aquino. All Rights Reserved