"Naglalakad lang po kami pauwi. Tapos, meron ding time na wala kaming makain, iinom na lang kami ng tubig sa buong maghapon. Minsan, kumukuha rin kami ng makakain sa bukid at nanghihiram ng pera sa mga kapitbahay. Ang masakit pa niyan, yung napapahiya yung parent ko dahil nga sa sinisingil siya sa aming utang. Labis na kalungkutan yung dinanas ko nun. Pag-graduate naman ng elementary, ako ay nahinto ng dalawang taon dahil sa financial problem. Napilitan akong magtrabaho para sa aming pamilya. Naging tindero ako at tagabantay ng bata sa halagang 50 pesos sa isang araw. Ako ay pinalad na makapagpatuloy ulit sa pag-aaral sa sekondarya, at naka enroll ako sa Section 12. Nagtatrabaho ako tuwing Sabado at Lingo, at pumapasok naman ako sa eskuwelahan tuwing Lunes hanggang Biyernes. Mula noon, hindi na ako nagpadala sa aking kahirapan. Mula first year hanggang third year, hindi po ako naging part ng SSG, fourth year lang ako naging part ng SSG. At bilang President ng school namin, at dahil na rin ito sa pag-eencourage ng Head Teacher ng Araling Panlipunan namin, nanalo rin po ako bilang third place na President sa buong Pangasinan Division 2, at grumaduate bilang honor student. At ginamit ko po itong mga kalakasan ko at talento upang mag-apply ng iba't ibang scholarship para makapagpatuloy sa college, kasi hindi ako nagpakita ng kahit anong bahid na may maliit na porsyento na lang pag-aaralin po ako ng aming pamilya dahil sa sobra naming kahirapan at gipit sa pera. Kaya nag-apply ako sa munisipyo at kung saan-saan kasama ang aking magulang. Hanggang ngayon, hangga't sa pagkapasok ko dito sa PSU, at ngayon ako ay 4th year Mechanical Engineering Student na. Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay - ang makatapos, ang maiahon sa kahirapan ang aking pamilya, at ang makatulong na rin sa ibang nangnangailangan. At ang maipapayo ko lang sa aking mga kapwa estudyante, sa mga magtatry at hindi nagtitinag na kapwa kong estudyante- ang maipapayo ko lang, lalo pa natin tibayan ang ating loob, at lalo pa nating sipagan ang ating pag-aaral. Pwede tayong mapagod, pwede tayong umiyak, ngunit hindi tayo puwedeng sumuko. Walang mahirap kung para sa pangarap. Basta kasama natin ang Diyos, at tayo'y magpupursige, walang bagay ang magiging imposible." ___ Romar O. Chavez 4th Year Mechanical Engineering Pangasinan State University
 

© 2017 Office of Sen. Bam Aquino. All Rights Reserved