Dahil sa hirap ng buhay, I decided to find my own ways para mabuhay at maipagpatuloy ang pag-aaral ko. Grade 6 po ako noong naghiwalay ang mga magulang at nakitira kaming magkakapatid sa lola namin. Si lola na po ang nagsusustento sa aming apat na magkakapatid pero dahil hindi naman kalakihan ang kanyang kinikita sa pagtitinda sa canteen, kinakapos pa rin po talaga kami. Para makatulong na mabawasan ang gastusin ni lola, nag-apply ako ng scholarship at pumasok bilang student assistant sa eskwelahan namin kaya kahit papaano ay nataguyod ko ang pag-aaral ko sa highschool.
After highschool, napilitan po akong tumigil ng dalawang taon kasi wala nang pangtustos ang lola at nanay ko sa aking pag-aaral. Napunta po ako sa Polomoloc, South Cotabato at namasukan bilang taga bake ng cake pero hindi po ako tumagal dahil hindi maganda ang treatment sa akin ng amo ko. Nagdesisyon ako na bumalik ulit ng Zamboanga para magtrabaho ulit at makaipon dahil purisgido po talaga ako na makapag-aral ulit. Yung kinikita ko kada buwan, hinahati ko para sa pamilya ko at sa ipon ko para makabalik ulit sa eskwelahan. Nang makapasok na ako sa kolehiyo, pinalad ako na makakuha ng scholarship sa pagiging choir member, nag student assistant din ako at rumaraket as freelance make-up artist. Buo po talaga ang aking loob na makapagtapos kaya doble kayod talaga ako Ngayon pong nasa 3rd yr college na ako, nakatira ako sa aking tita at namamasukan bilang kasambahay nila. Sumasahod po ako ng Php350 every week at yun na po yung panggastos ko sa araw-araw, pero tumutulong din po sila sa akin lalo na sa pagbabayad ng tuition fee. Noong nabalitaan ko po sa TV yung tungkol sa free tuition, sobrang natuwa po talaga ako. Sobrang big help talaga sa akin yun lalo na't libre na ang miscellaneous fee. Makapagbibigay daan po ito upang makapagtapos ako sa aking pag-aaral at para maabot ko na ang aking pangarap na maging English Teacher. Gusto ko po kasi talaga maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Para sa mga estudyanteng katulad ko na hirap sa buhay, ang mapapayo ko lang ay huwag kayong mapagod na magpursige sa pag-aaral at sa pagabot ng inyong mga pangarap. Magtiwala lang tayo sa Diyos.

© 2017 Office of Sen. Bam Aquino. All Rights Reserved