Salve Borras

“Pang-apat po ako sa pitong magkakapatid. Dating government employee sa City Hall yung papa ko pero na-stroke po siya kaya hindi na siya nakakapagtrabaho, yung mama ko naman nagka-kasambahay pa minsan-minsan, on-call lang po siya pero sa ngayon po inaalagaan na lang niya yung Papa ko at yung kapatid kong lumpo kaya umaasa na lang po kami sa lump sum ni Papa at sa kapatid kong nagtatrabaho sa city hall, siya po kasi yung pumalit sa trabaho ng Papa ko. Iyong Php2,000 kada buwan po na nakukuha ko sa pagiging kasambahay ang ipinangbabayad ko sa tuition ko every sem at allowance ko araw-araw. Noong nalaman ko po sa TV at sa mga kaklase ko na magiging libre na ang tuition sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo sobrang natuwa po ako dahil mababawas na po sa isipin ko kung saan po ako kukuha ng pang tuition, at imbes po na maghanap pa ako ng iba’t-ibang raket, at least magagamit ko na po yung sahod ko bilang kasambahay para makatulong sa pamilya ko. Para sa akin, importante po talaga na makatapos ng kolehiyo dahil mas malaki po yung chances na madali po akong makahanap o makakuha ng mas magandang trabaho na may mataas na suweldo. Pangarap ko din po kasing pag-aralin yung mga kapatid ko na huminto sa pag-aaral at bigyan naman ng negosyo yung isa kong kapatid."

-Salve Borras, 19 years old, 3rd year BS Education, Bicol State College of Applied Sciences and Technology, Naga City

© 2017 Office of Sen. Bam Aquino. All Rights Reserved