"Yung mama ko, walang trabaho. Siya ang nag-aalaga sa amin. Tatay ko naman, 8 years nang OFW sa Riyadh. Kahit OFW na siya noong Grade 3 pa ako, kulang pa rin ang pera namin kasi lima kaming magkakapatid. Sobrang importante ang edukasyon para sa akin. Dati kasi, pinapatigil ako nila papa kasi hindi na nila kayang bayaran iyong tuition namin. Pero sabi niya, kapag nakatapos ka, may assurance na meron ka nang magandang kinabukasan. Kaya kaming magkakapatid na ang nagsisikap na magbayad ng tuition namin. Nag-apply ako maging student assistant para may sahod. Kada buwan, naghuhulog ako ng pera para lang mabayaran ang tuition- minsan 500, minsan 1,000. Napakalaking bagay po ng libreng tuition. Ngayon na hindi ko na kailangan maghulog ng pera para sa tuition, magagamit ko na yung suweldo ko para sa ibang bagay- para sa pagkain, project, at iba pa. Mapapalapit na rin ako sa pangarap kong mabalik ang tulong na ibinigay sa akin ng magulang ko."

- Russel Angel, 3rd year, BS Business Administration, Ramon Magsaysay Technological University, Zambales

© 2017 Office of Sen. Bam Aquino. All Rights Reserved