Ma. Theresa Cayadona

“Wala po akong magulang, maaga po kasi nabuntis ang nanay ko at hindi po niya ako kayang buhayin kaya pinamigay po ako sa kapatid niya noong baby pa lang ako. May limang anak po ang tita ko at hindi kami kayang tustusan lahat kaya noong 13 years old po ako, umalis na ako sa tita ko para hindi maging pabigat pa sa kanila. Pumasok ako bilang kasambahay para mairaos ang pag-aaral ko sa highschool. Noong 20 years old ay lumuwas po ako ng Maynila para mamasukan bilang kasambahay pero noong nabalitaan ko na libre na ang tuition sa kolehiyo, bumalik ako ng Naga para dito magpatuloy ng pag-aaral. Para sa akin mas maganda na makapagtapos ng kolehiyo kasi hindi naman palagi katulong na lang ako. Gusto ko talaga magkaroon ng college degree, hindi ako kuntento na high school graduate lang. Para rin ’to sa mga magulang ko, na sana pagisisihan naman nila na pinamigay nila ako, ang hirap naman kasing mag-isa lang sa buhay. Ngayon na libre na po ang tuition, mas nagkaroon ako ng pag-asa na makatapos ng pag-aaral para rin matulungan ko ang tita ko kasi alam kong hirap na hirap na rin sila sa buhay. Sa limang anak po niya ni isa walang nakatuntong sa kolehiyo. Nais ko rin na maging teacher at magkaroon ng magandang pamilya, ayoko nang iparanas sa mga anak ko yung naranasan ko."  

- Ma. Theresa Cayadona, 22 years old,1st year College, BS Education, Bicol State College of Applied Sciences and Technology. 

© 2017 Office of Sen. Bam Aquino. All Rights Reserved